Alejandro, Rufino, author.

Buhay at Diwa ni Jose Rizal / Rufino Alejandro and Buenaventura S. Medina Jr. - Mandaluyong City, Philippines : National Book Store , c1972. - viii, 213 pages : illustrations : 21 cm

Includes bibliographical references.

Paunang salita -- Buhay -- Diwa 105 -- Sanaysay 149 -- Mga liham 175 -- Dula 185 -- Mga Nobela (Lagom) 201 --

"Ang aklat na ito'y isang pagsubok na matugunan ang pangangailangan ng isang babasahing tagalog tungkol sa buhay at mga sinulat ni Gat Jose Rizal. Sinikap ng mga may-akda na maipaloob sa mga dahon ng aklat na ito ang marami sa lalong mahahalagang pangyayari sabuhay ng dakilang Kalambenyo, na di gaanong nababatid ng madla, lalo na ng kabataan, upang sa gayon ay maganyak silang gumawa ng lalo pang masusing mga pagbabasa tungkol sa kanyang buhay. Sapagka't ang buhay ni Rizal ay tulad sa isang balon na habang sinasalukan ay lalo namang sumasarap ang tubig na idinudulot sa isang mauhawin sa magaganf=dang aral. Bukod sa mga matipunong lagom ng kanyang Noli at Fili, ang mga lalong kilala sa kanyang mga tula ay inilakip dito, gayon din ang lalong mahahalaga sa kanyang mga liham sa mga kaanak niya at mga kaibigan at kababayan. Ang matagal na pinagtalunang pagbabalik-loob ni Rizal sa Iglesya Katolika ay matutunghayan sa salaysay ng kanyang mga huling oras na Fort Santiago. Ang pinagbatayan ng pasiyang ilakip iyon sa kanyang talambuhay ay ang mga ulat ng mga taong "malapit sa tanghalan" ng mga pangyayari, bukod pa sa di-matatawarang mga pananalita niya sa kanyang Datos para mi defensa na mababasa sa salaysay ng paglilitis.Ditoy nais bigyang-diin ng mga naghanda ng aklat na ito, na ang pagka-bayani ni Rizal ay maliwanag na ipinakilala niya sa maalab na pag-ibig niya sa kanyang bayan at pagmamahal sa kanyang mga kababayan, at ang pagtanghal sa kanya bilang isang bayani ay hindi dapat iugnay sa kanyang pagbabalik-loob sa ralij=hiyon ng kanyang kabataan. Si Rizal ay tunay na bayani hindi sapagkat siya'y namatay na Katoliko o dahil sa siya'y namalaging isang Mason hanggang wakas, kundi sapagka't inialay niya ang kanyang buong buhay, ang kanyang mga pangarap at ang kanyang kinabukasan sa ikatitimawa ng bayan niyang tinubuan." Paunang salita. --


In Filipino text.

971080748X (reprint)


Rizal, Jose, 1861-1896.

FIL DS 675.8.R62 / A44 1972